Isang Manong,nakitang kumakain sa fastfood ng kanin lang,tinulungan ng isang netizen at mga crew na nagtatrabaho doon

Ano nga ba ang gagawin mo kung makakita ka sa fast food na kumakain lang ng purong kanin at tubig dahil walang makain?Iyan ang kwentong ibinahagi ng netizen na si Earl Calixtro. Sa kanyang pagkain sa fast food sa Pampanga, nakita niya si Tatay na umorder at ng dumating ang kanyang order ay kanin lamang at tubig.



Credit: Earl Archievan Calixtro facebook

“Kanina napadpad ako sa Pampanga. Nag lunch ako sa McDonald’s near SM. Si Tatay pumasok then umorder. After nun naupo sya malapit sa table ko. Pagdating nung order nya. 1 cup of rice and water lng. Kinakain nya rice lang,” kwento ni Earl.Agad naman niya itong nilapitan at tinanong kung gusto pa niya ng makakain. Sumagot si tatay ng oo at tila nanginginig dahil sa gutom.

Credit: Earl Archievan Calixtro facebook

“Pagbalik ko sa table nya may chicken fillet na. Binigay nung crew. (thank you sa buong staff at crew ng McDonald’s san fernando malapit sa SM,di kayo nag dalawang isip tulungan si Tatay ❤️) yung order ko para sa knya pina take out ko nalang para may pagkain pa sya mamaya,” patuloy pa ni Earl.



Credit: Earl Archievan Calixtro facebook

Siya si Junior Mendoza. Napagalaman na siya ay Taga Tacloban at pumunta ng Pampanga para mag trabaho. Ngunit dahil na rin sa walang trabaho at inabutan ng lock down ay wala ng makain si tatay.

Credit: Earl Archievan Calixtro facebook

“Ang nakuha ko lang na information is taga TACLOBAN daw sya. Napunta lang sya sa Pampanga para humanap ng work. Sa kasamaang palad inabutan siguro ng lockdown. Sa mga may kakilala sa Tacloban baka po nakikilala nyo si Tatay. At sa iba pang gustong tumulong. Sana makauwi na sya sa knila 🙏🙏🙏,” patuloy pa ni Earl.

Samantala, ibinahagi naman ni Earl ang kwento ni tatay para makita ng kanyang mga kaanak sa Tacloban at sa ibang netizens na nais mag abot ng tulong sa kaniya.
Bumuhos naman ang tulong para kay tatay matapos ang mga posts sa social media at naipapakita lamang ang pagtutulung tulungan ng bawat isa.