Isang Manong, nagtanong sa isang netizen kung pwede linisin ang kanal para may maiuwi na pambili ng pagkain para sa kanyang pamilya

Sa panahon ngayon ng kr!s!s, lahat nga naman tayo ay gipit sa iba’t ibang kaparaanan. Kaya naman, todo kayod ang bawat isa sa atin. Nawalan man ng trabaho ang iba, ay mas sumipag pa lalo at determinadong makahanap ng bagong trabaho. Ang iba naman ay mas humataw sa online selling o kaya naman ay sa kanilang mga negosyo.



Credit: Francis Jun Facebook

Pero, ang lalaking nakausap at ibinahagi sa atin ni Francis Jun ay talagang masasabi nating higit na nangangailangan. Isang lalaki kasi ang lumapit kay Francis nang siya ay magbukas ng tindahan.
Noong una ay akala niya ay bibili ito, pero mismong ang lalaki daw ang nagsabing lilinisin niya ang kanal. Ayaw man ni Francis na ipalinis ito dahil kaya naman daw niyang linisin ito. Pero, ng malaman niyang kailangan niya ito para suportahan ang pamilya ay pinalinis na ni Francis amg kanal.

Mukhang d3sperad0 na nga naman ang lalaki kaya siya na mismo ang lumapit dito. Sabi nga nila, hindi kailangang ikahiya ang kanit anumang trabaho na marangal at walang tinatapakang tao.
“Ang aga may lumapit sa tindahan akala ko bibili nang tanungin ko kung ano po kailangan sabi nya pwede daw ba nya linisin ung kanal para daw may maiuwi sya sa pamilya nya mecq wala daw syang work, overgrown na planung mga damo. Auko sana kasi ako talaga maglilinis ng kanal sa tapat namin,” kwento ni Francis.



Credit: Francis Jun Facebook

“Kaya lang naawa ako kay kuya kaya pumayag nalang ako. Kaya kung makaka abot sainyo si kuya at makiusap. Sana pagbigyan nyo na para makatulong nmn. Mahirap lang din ako. Asa lang din pero alam ko mas mahirap kalagayan ni kuya. Hindi cguro nya gagawin yan kung di lang talaga kailangan……kayo na bahala sa kanya,” dagdag pa niya.
Tunay na nakakabilib nga naman ang lalaking ito na kaya niyang gawin lahat, matugunan lamang ang pangangailan. .