“We are One team!”: Nikka Garcia, kaniyang pamilya, at mga kasambahay, sa iisang larawan.

Matapos ipakita ang kaniyang baby bump, tanda na mayroon siyang inaasahang baby# 4, ibinahagi ni Nikka Garcia ang isang napakagandang larawan sa kaniyang Instagram account. Sa naturang larawan, makikita siya, ang kaniyang asawa, kanilang mga anak, at ang mga kasambahay nito.


Credit: Nikka Garcia instagram

Sa nagsabing larawan ay nakapowder blue outfits ang kaniyang 3 naggagandahang mga anak, kasama nila rito ang kanilang 4 na kasambahay, buong galak na nakangiti sa lente ng kamera.
“A complete group sh0t! This is all of us in my household. We are one team … one family! And we love them truly!!!” saad ni Nikka Garcia sa kaniyang post.

Credit: Nikka Garcia instagram


“I always tell them and remind them … I love and appreciate each one of you! Thank you for being loyal, being genuine, being sincere and for loving me, my husband, most especially my girls, and even my baby boy in my tummy,” dagdag pa nito. “This is what makes our dream work. And always, I am grateful!”

Credit: Nikka Garcia instagram

Noong nakaraang linggo, ibinahagi rin ni Nikka ang kanilang Maternity sh00t, nilang mag-asawa. Ipinagmalaki pa ng aktres na ito ay ginawa lamang nila sa kanilang tahanan. Isiniwalat naman ni Nikka at Patrick Garcia na sila ay may inaasahang pang-apat na supling sa kanilang YouTube channel nitong buwan ng Pebrero, sa naturang vlog ay pinahulaan nila sa kanilang mga kapamilya ang gender ng kanilang magiging baby.

Credit: Nikka Garcia instagram

Sa naturang video, isinaad ni Patrick: “Kahit boy, kahit girl sa akin, okay lang. Basta bigay ni Lord, I’ll be super-super happy.” Samantala, si Nikka naman ay umaasang ang magiging pang-apat nitong anak ay maging lalaki, ngunit siya ay masaya pa rin anuman ang kasarian nito.

Credit: Nikka Garcia instagram


“Ako naman, I’ll be honest…siyempre, I am praying for a healthy baby…na boy. Pero kahit anong ibigay ni Lord,” saad niya. Sila ate may 3 nagdadalagang nga anak, si Michelle- 7 taong gulang, si Patrice na 4 na taong gulang, at si Pia na 3 taong gulang.

Credit: Nikka Garcia instagram