Tingnan ang simple ngunit masayang birthday celebration ni Mori, anak nina Jennica at Alwyn Uytingco




Napakasaya nga naman ng pamilya ni Jennica Garcia Uytingco at ng kanyang asawang si Alwyn Uytingco. Sila ay nabiyayaan noong 2015 ng napakagandang anak na si Athena Mori.

Credit: Jennica Uytingco instagram

At napakabilis nga naman talaga ng panahon, dahil nagdiwang na ng ikalimang taon na kaarawan si Mori noong July 17. Nasa gitma man tayo ng p@nd3my@, ay naidaos pa rin naman ito ng matiwasay.

Credit: Jennica Uytingco instagram

Siyempre, enjoy na enjoy si Mori kasama ang kanyang pamilya, kaanak at mga kaibigan. Binati din siya ng kanyang inang si Jennica sa IG at ipinasilip ang selebrasyon.

“HAPPY BIRTHDAY ATE MORI!

Credit: Jennica Uytingco instagram

Swipe Left para makita ang handa ni Ate Mori at ang bago nilang manika. (Kailangan kumayod mabuti sa trabaho sa mga multiple children household, tuwing may Birthday pag may regalo ang panganay kailangan meron din si bunso and vice-versa),” saad ni Jennica.




Credit: Jennica Uytingco instagram

Pinuri din ni Jennica ang kanyang mga kapwa magulang na ibinubuhos ang lahat para sa kanilang nga anak. Aniya, ang dasal ay isang malaking bagay na bilang birthday gift sa anak.

Credit: Jennica Uytingco instagram

“Apir sa mga Tatay at Nanay na ginagawa ang lahat para sa ikasasaya ng kanilang mga anak. Mabuhay po kayo! Please say a prayer for Mori as your birthday gift. Please pray with us that she will have a happy and long life. That she will grow up loving God the most and have an early understanding of God’s goodness and grace. Maraming salamat po!,” pahayag pa niya.

Credit: Jennica Uytingco instagram

Samantala, naging matagumpay ang lahat ng selebrasyon na ito dahil sa mga sumusunod:

BURNT CHEESECAKE: @dbistro.phCHICKEN AND NACHOS: @ditesunliwingsCOOKIES: @cookiesbyprincesshao

Credit: Jennica Uytingco instagram

Rinekomenda pa ni Jennica ang Dites unliwings dahil sa sarap nito.

Credit: Jennica Uytingco instagram

“garlic parmesan chicken wings is a must-try! Also their chicken in honey butter flavor is super good. The very first time a bucket arrived in my home, naubos agad ng mga kasama ko sa bahay, walang natira sakin. Got to try it for myself today and now, I understand why. Ang sarap!,” dagdag pa niya.




Credit: Jennica Uytingco instagram