Teenage actor na si Seth Fedelin, isang bagong karakter sa palabas na Ang Probinsyano

Marami ng mga artista at showbiz personalities ang nakilala at nabuo ng ABS-CBN reality show na Pinoy Big Brother.Halos sa mga pumapasok sa bahay ni Kuya ay nakikilala at ang iba ay pumapasok sa mundo ng showbiz.



Credit: Seth Fedelin instagram

Isa na dito ang teenager na si Seth Fedelin. Paglabas pa lang ng bahay, isa sa mga ginawa ni Seth ay sumabak sa pag-arte sa Kadenang Ginto na kung saan nakaparahe niya si Andrea Brillantes. Ito pa ang nagbukas ng mas maraming oportunidad sa kanya.



Credit: Seth Fedelin instagram

Ngayon, may bagong role si Seth sa FPJ’s Ang Probinsyano. Siya ay si Macoy, na isang kabataang nangangarap ding maging pulis gaya ng bida at direktor nito na si Coco Martin bilang Cardo Dalisay.“Ang character ko po rito, ako po si Macoy, isa pong binatang probinsiyano. Si Macoy ay may ambisyon siya sa buhay niya, may pangarap siya. At ang pangarap niya ay maging pulis kagaya nina Cardo. Kaya doon po magmumula ang interes niya sa grupo ni Cardo,” kwento ni Seth.

Credit: Seth Fedelin instagram

Blessing na itinuturing ni Seth ang kanyang pagkakasama nito lalo na at de kalibre naman talaga ang teleserye na ito.“Nakaka-proud na nakasama ako rito sa Ang Probinsyano. Siyempre sobrang saya na nakasama ko si Kuya Coco. At si Kuya Coco eh hindi lang basta pupunta ka para lang mag-taping. Kahit sa likod ng camera ay kakausapin ka niya. A-advise-an ka niya ng mga technique. ” dagdag pa ni Seth..

 

View this post on Instagram

 

PHOTOS : @imsethfedelin meets Cardo Dalisay in FPJ’s Ang Probinsyano #FPJAPTuloyAngLaban

A post shared by Dreamscape Entertainment (@dreamscapeph) on


Sa kabila ng saya at tuwa, hindi pa rin maiwasan ni Seth na kab@han . Pero, siyempre alam naman niya na marami ang sumusuporta sa kanya.Masaya po kaso may times na nahihiya ako siyempre bago pa lang, hindi naman po maiiwasan ‘yan. Pero masaya sila kasama lalo na sa likod ng camera, kapag nagba-bonding kami,” giit pa ni Seth.Sa mga naging proyekto ni Seth, nakikita naman natin ang kanyang galing at dedikasyon sa industriya.

Credit: Seth Fedelin instagram