Sya si Lexi Alvarez, ang napakagandang anak ni Maritoni Fernandez

Sino ba ang nakakakilala sa napakagandang ito na nasa larawan sa IG na si Lexi Alvarez?



Credit: Lexi Alvarez instagram

Siya ang isa sa mga anak ng aktres na si Maritoni Fernandez. Kilala natin si Maritoni bilang magaling na aktres na nagiging leading lady ng yumaong Fernando Poe Jr.
Napakaganda din naman ni Maritoni, isang mestiza beauty. Kaya naman, lahat ay nahuhumaling sa kanyang ganda.

Credit: Lexi Alvarez instagram

Iyan din naman ang gandang mayroon ang kanyang anak na si Lexi Alvarez. Gaya ni Maritoni, siya din ay may angking mestiza beauty at tila photocopy ng kanyang ina.
Naisilang ni Maritoni si Lexi noong January 5, 1995 sa Maynila. Ngayon, siya ay nakilala bilang Filipino actress, host, singer at dancer.

Credit: Lexi Alvarez instagram

Hindi na nakapagtataka kung bakit napakaganda nila. Nasa lahi nila ito lalo na at si Maritoni ay half-English na may lahing Irish.Gaya ni Maritoni, pinasok din ni Lexi ang buhay sa industriya ng showbiz. Napanood si Lexi sa GMA Network at dito makikita ang kanyang angking galing sa pag-arte.



Credit: Lexi Alvarez instagram

Sa loob ng halos anim na taon, napanood si Lexi sa Kapuso network. Ngunit, kalaunan ay nagpahinga din muna si Lexi noong 2015 dahil sa anx!ety at d3pr3ssion.
Sa telebisyon, napanood siya noong2015 sa Because Of You bilang si Clara Salcedo. 2014 naman ay ang My Destiny Rose. Taong 2013, siya ay nasa Maynila: Playful Hearts at Magpakailanman: Flowers of Hope at sa Kakambal ni Eliana bilang si Margarita “Marga” Dominguez.

Credit: Lexi Alvarez facebook

Noong 2012 at 2013, napanood siya sa Paroa: Ang Kuwento ni Mariposa, Magdalena, Together Forever, Alice Bungisngis and her Wonder Walis.Bago pa ito ay noong 2011 sa Iglot, Time of My Life, Nita N3grita, Ilumina at Reel Love Presents: Tween Hearts.Habang sa pelikula naman ay napanood siya sa B@bang Lvksa, Tween Academy: Class of 2012, The Road, My House Husband: Ikaw Na!, Just One Summer, Sossy Problems at sa Si Agimat, si Enteng Kabisote at si Ako.

Credit: Lexi Alvarez facebook

Napakarami na nga namang naging pelikula at teleserye ni Lexi. Patunay na bukod sa kanyang ganda ay talagang magaling at masipag na aktres si Lexi.



Credit: Lexi Alvarez facebook