#SchucksGnasiya: Tingnan ang Surprise Bridal Shower Kay Empress!




Lubusang kasiyahan ang nararamdaman ng aktres na si Empress Schuck matapos makatanggap ng surpresang bridal shower mula sa kaniyang mga minamahal, apat na buwan mula noong siya ay na-engage sa kasintahang si Vino Guingona.

Ibinahagi ng magandang aktres sa kaniyang Instagram account ang ilang mga larawan at video clips ng naganap na surpresa, na idinaos noong Huwebes, ika-18 ng Pebrero.

“Don’t even know what to say while typing this! I’m so blessed by thoughtful, unselfish friends. I can’t thank you guys enough. This is a dream come true! I love you all!” Saad ng aktres na si Schuck, kasabay ng pag-tag sa ilan niyang mga kaibigan, gaya ni Melissa Ricks.

Sa naturang post, mababanaag sa mukha ng aktres ang pagkabiglabat saya na nadarama habang pinasasalamatan ang mga nagmamahal sa kaniya, na dahilan ng lubusan niyang kasiyahan.




“First time ko ma-surprise ng ganito! No words can express how I feel! I don’t know what I did to deserve this but I just like to thank the Lord for blessing me with these wonderful people! I’ll never forget this day. Thank you for making me feel loved! To all my friends/bridesmaids who didn’t make it, thank you for your gifts and efforts as well! I appreciate everything,” saad niya sa post.

Pinasalamatan din niya ang mga nag-organisa; “Also to the very helpful and so reliable suppliers! You made my heart full. Thank you for making this day memorable for all of us! Ang ganda ng lahat dahil sainyo!🙏🏼💕 #SchucksGnasiya

@lamour.events – Planning & Coordination @fabnordaneventsmanagement – Styling
@Custolita.ph – Personalized Trinket plates and keychains Giveaways
@creationskopi – Coffee Giveaways @ChampysInflatables – Kiddie Inflatables
@DonutwallbyHazel – Grazing Station @niceprintphoto – Photo Coverage
@honeyglazecakes – 2 Tier Cake @karimadonph – Dresses” dagdag sa naturang post.

Ang magkasintahan ay na-engage noong nakaraang taon, buwan ng Setyembre sa mismong ika-limang kaarawan ng kaniyang anak na si Athalia.

“And so this day has become even more special. Its not just Athalia’s birthday anymore but also a new celebration of God’s intention. Thank you @vinoguingona for doing it on her birthday and in this special home witnessed by my whole family. Wouldn’t have it any other way. Thank you to my siblings for helping vino arrange this, to my parents’ blessing,” ito ang kaniyang pahayag noong ihayag niya na siya ay nalalapit ng ikasal.





“A new chapter begins for me. And I know by walking with God together, we are on the right path. The goal of our relationship is to honor him and do things what’s right in his eyes and that’s what we’re going to do real soon. Praise be to God,” dagdag pa niya. Ang kasintahan nitong si Guingona ay isang dating modelo at apo ng dating Vice President Teofisto Guingona Jr.