Panganay na anak ni Ruffa Gutierrez na si Lorin, sobrang espesyal ang birthday celebration na dinaluhan ng mga bigating artista

Bawat kaaarawan ay may kalakip na memorya at ala ala. Gusto natin na bawat kaarawan natin o ng ating mga mahal sa buhay ay hindi nila makakalimutan. Hindi nila ito makakalimutan dahil sila ay masaya, at napagdiwang nila ang kanilang kaarawan ng espesyal kasama ang mga espesyal na tao sa buhay nila.

Kaya naman talagang pinaghandaan at pinaglaanan ng oras at ng effort ang 16th birthday ng anak ni Ruffa Gutierrez at Yilmaz Bektas na si Lorin Gutierrez. Siya ay nag 16 years old noong August 3.

Credit: Niceprintphoto instagram

Pero, pinagdiwang nila ang kaarawan niya noong Sabado August 31. 28 na araw matapos ang mismong birthday.




Masayang masaya at bakas naman talaga sa mukha ni Lorin ang saya. Suot ni Lorin ang kanyang white two-piece dress na may blue at purple frills. Dinisenyo ito ng evening gown designer na si Rosenthal Tee. Makikita din ang kanyang two-layered necklace at earrings na kumumpleto sa kanyang elegant look.

Credit: Niceprintphoto instagram

Ang tema ng selebrasyon ay “music festival-themed” birthday party na ginawa sa Whitespace Manila in Makati.

Credit: Niceprintphoto instagram

Nasabi naman ni Ruffa na ang kanyang kapatid at tito ni Lorin na si Raymond Gutierrez ang tao sa likod ng konsepto, tema at pagpaplano ng prestihiyosong event na ito.



Credit: Niceprintphoto instagram

Kasama sa mga dumalo ay ang Gutierrez clan, na sina Ruffa, ang kaniyang mga tito at tita na sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez family, Raymond Gutierrez, lola Annabelle Rama, at lolo Eddie Gutierrez.

Credit: Niceprintphoto instagram



Maging ang mga politicians at mga kilalang personalidad ay dumalo din. Sina Lucy and Richard Gomez, Bongbong Marcos, Chavit Singson, Vicki Belo, at Hayden Kho.

Credit: Niceprintphoto instagram

Habang ang mga celebrity guests ay dumalo din. Kabilang dito sina Julia at Marjorie Barretto, Andrea Brillantes, Kyle Echarri, Kobe Paras, Jackie Forster, Mariel Padilla Charlene Gonzalez, at Angelina Cruz.

Buong buo nga naman panigurado ang kaarawan ni Lorin kasama ng mga espesyal na tao sa kanyang buhay. Pamilya man ito, kabigan o kabarkada.