Panganay na anak ni Kris Aquino na si Josh, masayang masaya sa naging regalo sa kanya ng ina at kapatid

Sa kabila ng pagiging malayo, binigyan pa rin ng surpresang selebrasyon ni Kris Aquino ang kaniyang panganay na anak na si Josh para sa kaniyang ika-26 na kaarawan, nitong nakaraang ika-4 ng Hunyo.


Credit: Kris Aquino instagram

Ibinahagi ng aktres at celebrity host na si Kris Aquino sa kaniyang Instagram account ang isang video kung saan makikita ang surpresang inihatid niya para sa kaniyang anak, na nakabase na ngayon sa Tarlac. Sa natuurang surpresa ni Kris para sa kaniyang panganay na si Josh, ito ay nakagayak na mga lobo at isang golf cart.

Credit: Kris Aquino instagram

“Thank you Mama and Bimb,” sabi ni Josh, na bakas kasiyahan at kagalakan sa nagging surpresa ng kaniyang ina at kapatid na si Bimby. “I love you.” Dagdag pa nito.


Credit: Kris Aquino instagram

Bukod sa naturang birthday surprise, makikita rin sa video na namamahagi si Josh ng mga grocery bags sa mga residente ng Tarlac, bilang bahagi ng kaniyang outreach program na tanda ng kaniyang selebrasyon para sa kaniyang kaarawan.

“June 4, 1995. I was so NOT READY to be a mama… In many ways kuya Josh helped me grow up,” pag-uumpisa ni Kris Aquino sa kaniyang Instagram post. “He was just 3 years old when it became just the 2 of us,” dagdag pa ng kilalang aktres at TV host.

Credit: Kris Aquino instagram

“Because never kong tinago sa inyo that he is a special child, that he’s in the @utism spectrvm, oftentimes na bully siya lalo na pag may pulitikang involved. BUT ‘di hamak mas marami ang nagtanggol at nakaramdam ng pureness ng puso niya at ng kanyang genuine na generosity at ang hindi niya pagpili sa kakaibiganin at bibigyan ng respeto.

Credit: Kris Aquino instagram

For kuya kung mabait ka at nagpakita ng kabutihan higit dun ang lambing at pagmamahal na isusukli niya.” Kaniya ring pinasalamatan ang kaniyang mga tagahanga na patuloy na sumusuporta sa kaniya. Aniya, hindi magiging possible sa kaniya at sa kaniyang mga anak ang lahat ng kanilang mga natatamong blessings kung wala ang tiwala at suporta ng mg tao para sa kanila.

Credit: Kris Aquino instagram

“I have often said life isn’t perfect BUT it does have many wonderful moments. Hindi possible for kuya Josh, Bimb, and me to share our blessings had you not given me the trust and support you have.




Credit: Kris Aquino instagram

Nakabalik ako sa trabaho, and I’d like to consider that my true career started because you accepted me with all my fl@ws and strengths 4 months after I gave birth to my panganay.

Credit: Kris Aquino instagram

Lahat ng meron kaming mag nanay, nanggaling sa trabaho ko na sinuportahan ninyo. Habang kakayanin, patuloy namin ibabalik sa inyo yung blessings that you gave the 3 Aquinos,” saad niya sa pagtatapos ng kaniyang post: “Happy birthday, Kuya Josh. We love you.”