Mikee Agustin,inanunsyo na magkakaron na sila ng baby ng long time boyfriend na si Yexel Sebastian




Masaya nga naman tayong lahat sa tuwing nababalitaan natin ang mga pagdating ng mga blessing sa buhay ng ating mga iniidolong aktor at aktres.Sa isang vlog, ibinahagi sa atin ng couple na sina dating “Pinoy Big Brother 737” housemate Mikee Agustin at toy collector at content creator na si Yexel Sebastian na sila ay magiging magulang na. 7 years na rin naman silang magkasama kaya naman masayang masaya sila dito.

Credit: Mikee Agustin instagram

Dinaan pa nila sa vlog ang kanilang announcement kaya naman mas marami ang na excite dito. Pinrank nila si Vhong Navarro at bandang huli at ginawa din ang anunsyo.
“Hindi kasi sa amin ganoon kadali na ilabas agad-agad. Kaya kung napapansin niyo kada live namin lagi siyang naka-black,” pahayag ni Yexel.

Credit: Mikee Agustin instagram




“Saka ‘yung pagpupursige natin sa pagbebenta — ‘di ba nagbebenta kami — kasi magkakaroon na kami ng baby. So talagang nag-ipon kami ng pera,” patuloy pa niya.
Kaya naman, mahirap man ang ating sitwasyon at tayo ay dumadaan sa p@nd3mya at sa kr!sis. Naniniwala pa rin sila na may blessings pa din na dumating sa taong 2020.

Credit: Mikee Agustin instagram

“Ngayong 2020 blessing talaga ito sa amin ni Yexel,” saad naman ni Mikee.
“Siyempre nalulungkot kami para sa mga kababayan nating Filipino pero siyempre hindi naman lahat pare-pareho. Gaya ng sa akin, itong 2020 is sobrang blessing sa akin ito. Number 1, ‘yung baby ko paparating at maraming nangyari sa buhay ko ngayong 2020 na mas better kumpara sa 2016, 2017, 2018, 2019. Para sa akin the best po ito lalo na may regalo si Lord sa atin,” ani naman ni Sebastian.

Credit: Mikee Agustin instagram

Kaya naman, excited na si Mikee at Yexel na makita ang kanilang first baby. Sa wakas, mayroon ng magmamana ng toy collection ni Yexel.”Siya na maglalaro ng aking mga toy, may tagapagmana na. Bagong chapter ito ng aming buhay. Sana ay kasama namin kayo sa panibagong yugto, kasama ang aming baby,” saad pa niya.

Credit: Mikee Agustin instagram



Credit: Mikee Agustin instagram