Mga netizens,abang na abang na sa gagawing pelikula nina Bea Alonzo at Alden Richards

Kilala si Bea Alonzo bilang isa sa mga aktres na talaga namang pumapatok sa takilya. Lalo na sa kanyang role bilang si “Basha” sa pelikula niyang One More Chance at A Second Chance. Talaga namang napakagaling na aktres ni Bea at masasabi mong isa siya sa mga dekalidad na aktres sa kanyang henerasyon.

@beaalonzo instagram

Matagal tagal na rin siyang hindi lumalabas sa mga pelikula. Kaya naman, inaabangan talaga ang kanyang pagbabalik on screen. At sa kanyang pagbabalik, makakatambal niya dito ang aktor na si Alden Richards.

@beaalonzo instagram

Isa din si Alden sa mga talagang nag grow na aktor mula sa kanyang pagsisimula. Isa sa mga pumatok na pelikula ni Alden ay ang “Hello Love Goodbye” kasama si Kathryn Bernardo. Hanggang ngayon, ito ang nangunguna sa mga top grossing film sa Pinas.

@beaalonzo instagram

Kaya naman, ang tambalang Bea Alonzo at Alden Richard ay talaga namang aabangan natin lahat. Lalo na at isang Pinoy adaptation na Korean Film ang kanilang pagbibidahan na “A Moment To Remember”.

@beaalonzo instagram

“Finally doing a movie with this one! I am so excited! 😊 @aldenrichards02
We are making the Philippine adaptation of the Korean film, ”A Moment To Remember,” saad ni Bea.
Nagpasalamat naman si Bea sa oportunidad na binigay ng Viva Films, GMA Films at APT Entertainment sa kanya,

@beaalonzo instagram

“Thank you, Viva Films, for offering me this movie and for paving the way so this could all be possible.
It’s going to be co-produced by GMA Films, Viva Films, and APT Entertainment.
I love making films, and there is no better way to celebrate my 20 years in the business but to do movies. 🙏🏻,” patuloy pa ni Bea.

@beaalonzo instagram

Sa ngayon, all set na ang pelikulang ito. Todo na ang pagtatrabaho nila para dito at excited na excited na ang lahat sa pagbabalik ni Bea at sa bagong tambalang ito.

@beaalonzo instagram