Mark Herras, ipinasilip ang masayang litrato nila nina Nicole Donesa at anak na si Baby Corky






Sa recent Instagram post ng aktor at bad boy ng dance floor na si Mark Herras, kaniyang ibinahagi sa netizens ang larawan ng dalawang taong pinakamamahal niya kasama siya. Isang masayang family picture nila ng kasintahang si Nicole Donesa at ang bagong panganak na supling nitong si Corky- kung kanilang tawagin.

Sa naturang post na naglalaman ng kanilang mga larawan ay kitang kita ang galak ng magkasintahan sa kanilang unang anak.

“To ♾️ and beyond!!! My Itchy and Corky…. mahal na mahal ko kayong dalawa 🐻 👶 🐷” caption ng aktor sa kaniyang Instagram post. Nagpahayag din ng pagbati ang ilan sa mga kaibigan niya, gaya na lamang ni Ruru Madrid;

“Congrats kuya!!! Happy for you! Labyu ingat lagi! 😉” Pagbati ng aktor na si Ruru.
Ang aktres, beauty queen at kasintahan ni Mark Herras o Mark Angelo Herras na si Nicole Donesa ay nagbigay buhay sa kanilang anak noong January 31, 2021.





Pinangalanan nila ang baby boy na si Mark Fernando Donesa Herras at binigyang palayaw ito na Baby Corky- palayaw na kanilang naisip noon pa man na hindi nila alam ang kasarian nito.

Ibinahagi rin ng aktor na si Mark ang pinagdaanan ng kasintahan noong ito’y nanganak.

“I’m so proud of you itchy koooo… Akala natin makakasama ako habang nag lab0r ka pero hindi pala pwede 12 hrs. na Ikaw lang magisa pagod puyat at tak0t ka wala akong magawa tapos biglang sinabi ni doc na CS ka napaka tap@ng mo itchybear,” Saad niya sa kaniyang post.

“Napaka swerte namin ni Corky my love!!! Very goodjob mameeehhh!!! I love you so much to (infinity and) beyond!! Mahal na mahal ko kayo ni Corky!!!” dagdag pa niya.





Noong nakaraang taon, 2020, isiniwalat ni Mark Herras na sila ng kasintahan na si Nicole Donesa ay engaged na. Nagbahagi rin siya ng larawan kung saan ipinapakita ni Nicole ang singsing sa kaniyang kamay na tanda ng kanilang pagmamahalan.