Maja Salvador, sobrang nagenjoy sa kanyang engrandeng birthday vacation sa Cuba kasama ang kanyang boyfriend

Lahat nga naman tayo ay nagnanais na makatagpo ang ating mga forever. Ninanais natin na makatagpo natin ang mga tamang tao na makapagpapasaya sa atin.

Sa dinami rami ng tao sa mundo, hindi ba’t nakatutuwa na may isang taong nakalaan sa atin. Destiny kung tawagin, ika nga nila. Sino ba ang hindi matutuwa na magkaroon ng isang taong magmamahal sa iyo ng buong buo?



Credit: Maja Salvador instagram

Iba’t ibang paraan ang ginagamit ng tadhana para mapagtagpo ang dalawang taon inilaan niya para sa isa’t isa. Ang iba’y bata pa lang ay magkaibigan na o kaya naman ay long time ng magka relasyon. Ang iba’y di naman nasusukat sa haba o tagal ng relasyon, minsan ay dumarating sila sa di inaasahang pangyayari o pagkakataon.

Credit: Maja Salvador instagram

Sa panahon ng kalungkutan at pagiisa, ay dumarating sila. O kaya nama’y may mga taong nagiging daan o tulay para magkatagpo kayo. Ano pa mang pamamaraan ang pagtatagpo ninyo, ang mahalaga ay magtatagpo kayo at sabay ninyong isusulat ang inyong love story.

Kung ang mga showbiz icons naman ang pag-uusapan, minsan ay hindi maalis sa kanila na mawalan ng oras sa kanilang mga buhay pag-ibig sa pagtatrabaho. Pero, tao pa rin naman sila at nangangailangan din ng katuwang sa buhay.



Credit: Maja Salvador instagram

Isa sa mga showbiz icons na napakagaling naman sa kaniyang talento sa pag sayaw, pag awit at pag arte. Kamakailan lang ay makikita ang mga posts ni Maja na napakasaya niya sa kanyang boyfriend na si Rambo Nunez.

Isa na dito ang kaarawan ni Maja na nagkaroon pa ng sorpresa si Rambo sa kanya. Makikita nga naman talaga sa kanila ang tunay na pagmamahalan.

Credit: Maja Salvador instagram

Sa panibagong post naman ni Maja sa IG, silang dalawa ay nasa Havana, Cuba. Makikita sa kanilang mga mukha ang saya at pag-ibig.



Credit: Maja Salvador instagram

“Happy to be with you Mi AmorĀ ?,” sambit ng caption nito sa IG.