Mag partner na sina Geoff Eigenmann at Maya Flores,inanunsyo na ang gender ng kanilang paparating na baby




Kaliwa’t kanan nga naman ngayon ang mga gender reveal ng mga vloggers at artista ngayon. Dahil na rin sa p@ndemic, nagiging virtual ang gender reveal na ito at dito makikita ang iba’t ibang mga pakulo at pasabog para malaman ang gender ng kanilang future baby.

Source: Welcome to the Eigenhouse youtube

Gaya na lamang ng couple na sina Geoff Eigenmann at Maya Flores. Ilang taon na rin silang nagsasama. At ito na ang kanilang third baby. Buwan ng Hulyo nang ibahagi nila sa atin ang balita na pregnant si Maya. Matapos ang ilang buwan, ngayon ay malalaman na natin ang gender ng kanilang bunso.

Source: Welcome to the Eigenhouse youtube




Mapapanood sa vlog nila ang kanilang gender reveal na kanilang inupload noong Biyernes, September 25. Masaya nga naman ang dalawa kahit ano pa ang gender ni baby. Pero iba ang excitement na malaman mo ito.

Source: Welcome to the Eigenhouse youtube

“It’s a baby girl!,” sigaw nila sa kanilang vlog matapos nilang malaman ito sa isang box. Isang box kasi ang naglalaman para malaman nila kung ano nga ba ang gender ni baby. Lumabas ang pink balloons at confetti matapos ang video. Kaya naman, abangan nating lahat ang kanilang future princess.

Source: Welcome to the Eigenhouse youtube

Sa usapang pangalan naman, mas naisip nila ang nickname ni baby bago ang full name.
“Actually sa name, nauuna ‘yung nickname. Kasi ‘yung theme ng nicknames namin, food,” pahayag pa ni Maya.Lahat kasi ng mga nicknames ng kanilang mga anak ay food inspired kaya naman ito din ang kanilang iniisip ngayon.

Source: Welcome to the Eigenhouse youtube




“We’ll see. Ang hirap kasi. It’s hard to follow the specifics when it comes to names, but one thing na decided na kami talaga is that nicknames come first and it’s always going to be food,” dagdag pa ni Geoff.Bago naman ang gender reveal, mapapanood dito na bumati din ang Michael De Mesa, kanilang ama, kapatid na si Ryan Eigenmann, at ang tita niyang si Cherie Gil.

 

Source: Welcome to the Eigenhouse youtube