Kiray Celis, pinamangha ang mga fans dahil sa bonggang surpresa nya sa kanyang mahal na magulang

Bukod sa ating mga jowa, asawa, o nililigawan, isa din sa mga binibigyan natin tuwing Valentines Day ay ang ating mga magulang. Sa kanilang pagmamahal at pag-ibig para sa atin, deserve na deserve nga naman talaga nila ang kahit na anong sorpresa.



Credit: Kiray Celis instagram

Gaya na lamang ni Kiray Celis na kung saan ibinhagi niya sa social media ang kanyang regalo at sorpresa sa magulang na buoquet. Imbis kasi na bulaklak ang ibibigay, pera ang laman ng bouquet na ito. Talaga nga namang espesyal na espesyal na ito.

Credit: Kiray Celis instagram

Binigyan niya ang kanyang ama at ina ng bouquet of flowers na talagang ikinatuwa niya. Bukod kasi sa maganda at unique ito, malaking tulong din naman ito lalo na sa mga oldies o senior citizen.
“Happy happy valentines day, Mama and papa. Hindi man ako perpektong anak, pero ibibigay ko lahat ng kaya ko, guminhawa lang ang buhay niyo,” saad ni Kiray sa kanyang mga magulang.

Credit: Kiray Celis instagram

“Salamat sa walang sawang suporta, pagmamahal at pagiintindi sakin. Mahal na mahal ko kayo. Next time, tig 1k nayan lahat. Pagpasensyahan niyo na? Yan lang nakayanan ko?,” pagabol pa ni Kiray.



Credit: Kiray Celis instagram

Sa ngayon, busy na uli si Kiray para sa kanyang trabaho. Matatandaang 4 years old siya nang magsimula siya sa TV. Mapapanood din sa kanyang vlog ang iba’t ibang mga topics gaya ng lifestyle.
Kaya naman, talagang gustong gusto ng mga netizes at narito ang kanilang mga komento:

Credit: Kiray Celis instagram

“Sana all..kailan ko kaya magagAwa to para sa magulang ko? Siguro sobrang saya ng parents nya…isang araw magagawa ko din to sa parents ko..happy valentine’s po sa lahat ..💓💓💓”
“Yung mga anak marunong magmahal sa mga magulang at handang ibigay ang lahat para mapabuti ang magulang ay ang mga anak na pinagpapalala lalo”

Credit: Kiray Celis instagram

“its not just about the money.. but the thought of wanting her parents to have a comfortable life matters…. as a parent…. knowing your child wants to take care of you as you grew old.. a kind of happiness that money cant afford.” ♥️