Kilalanin ang napakagandang anak ni Karla Estrada na si Magui Ford

Napaka ganda ng anak ni Karla Estrada na si Margaret Magui Ford.Hindi man isang celebrity si Magui tulad ng kanyang kuya na si Daniel Padilla, ay nagsimula naman syang gumawa ng kanyang sariling pangalan sa social media dahil sa pagkakaroon nya ng napakagandang mukha.



Credit: magsford instagram

Dahil nga sa angking kagandahan ay hindi kataka-taka na marami ang humahanga sa kanya sa social media. Siya ay may pagka mestiza na tulad ng kanyang ina at may pagkakahawig din sya sa kanyang ama na si councilor Mike Planas.

Credit: magsford instagram

Mahilig si Magui sa pag tatravel kaya naman ilang bansa na rin ang kanyang napuntahan tulad ng South Korea dahil mahilig sya sa mga palabas na Koreanovela. Nakarating na rin sya sa Oska Japan ng magbakasyon sya roon kasama ang kanyang pamilya.



Credit: magsford instagram

May ilang kaibigan din si Magui sa mga anak ng mga artista, katulad na lamang ni Cassy Legazpi, kaibigan rin nya ang nag iisang anak ni Richard Gomes at Lucy Torres na si Juliana.

Credit: magsford instagram

Noong February 28 ay nag diwang ng ika-18 birthday si Magui at nag iwan naman ng mensahe ang momshie na si Karla para sa kanyang anak na dalaga “Thank you anak for always making me proud.”

Credit: magsford instagram

Isang mapagmahal na anak si Magui sa kanyang magulang at napaka supportive din nyang kapatid kaya marami ang nagmamahal sakanya.

Credit: magsford instagram

Ipinagdiwang ang grand debut party ni Magui isang araw bago ang takdang araw ng kanyang kaarawan, na dinaluhan ng kanyang mga pamilya at kaibigan.

Credit: magsford instagram

Ilan sa mga bisita na dumalo ay si Jackie Forster, kasama ang anak nito na si Kobe Paras.
At syempre isa naman sa mga nag sayaw kay Magui sa kanyang 18 roses dance ang kuya nya na si Daniel Padilla.

Credit: magsford instagram

Tunay nga na hindi maitatanggi kung gaano kaganda si Magui Ford kahit na wala itong make up at naka wacky face ay kitang kita parin ang ganda kung saan pwede syang maging future beauty queen sa taglay nitong kagandahan.



Credit: magsford instagram