Kambal na Jinkee Pacquiao at Janet Jamora pak na pak ang OOTD na umani ng samo’t saring reaksyon sa mga netizens

OOTD – apat na letra na talaga namang lahat ay pinaghahandaan. Lahat ay binubuhos ng kanilang pera, oras at effort para magkaroon ng magandang OOTD. Siyempre, ito nga naman ay magiging representasyon mo sa iba. Kaya importante ang iyong OOTD. 

Outfit of the Day, iyan nga naman ang tawag dito. Mula sa mismong mga salita, ang OOTD ay ang mga damit na iyong isinusuot sa mismong araw.



Credit: Janet Jamora instagram

Nauso ang terminong OOTD dahil sa internet. Sa social media ay lagi nga namang ginagamit ang terminong ito dahil ibinibida nila ang kanilang mga Outfit of the Day.

Wala nga namang masama dito. Ang pagpepresenta ng maayos at maganda ay talaga nga namang dapat bigyang pansin dahil ito ay malaking representasyon na dapat pangalagaan sa sarili.

Credit: Janet Jamora instagram

Ang pagdadamit ng disente, maayos ay isang bagay na dapat gawin ng isang tao propesyonal man o hindi. Sabi nga nila, wala sa damit yan kundi sa aksyon ng mismong nagsusuot.

Iba iba tayo ng OOTD. Ang iba’y napakapormal talaga, coat and tie o dress depende sa okasyon kagaya ng birthday o kasal. Minsan ay sando, shorts at mga sleeveless tuwing summer. Samantalang, minsan naman ay balot na balot ng jacket lalo na ngayong malapit na ang Pasko.



Credit: Janet Jamora instagram

Kung OOTD din naman ang pag-uusapan, hindi magpapahuli jan ang kambal na sina Jinkee Pacquiao at Janet Jamora. Makikita sa social media ang napaka eleganteng mga damit na talaga nga namang wow na wow.

Tunay nga namang close na close ang magkapatid at magka kambal kaya naman noon pa ay hinahangaan na sila.

Credit: Janet Jamora instagram

Nakakatuwa na makita sa kanilang bilang magkakambal na matagumpay ang kanilang mga buhay. Ang kanilang OOTD ay nagmimistulan ding patunay na sila ay nagtagumpay talaga sa buhay.




Pero, syempre hindi sapat ang OOTD para masabing matagumpay ang isang tao. Ang tunay na tagumpay ay nasa puso. Kaya para kina Jinkee at Janet, matagumpat na sila inside and out, sa OOTD man o sa puso!