Joshua Garcia, niregaluhan ng magandang bahay ang kanyang pamilya

Isang pangarap na nais natin matupad ay ang makapagpatayo ng ating sariling bahay na bunga ng ating dugo at pawis. Ang pagkayod ay talaga nga namang mas nakatutuwa kapag may nakikita kang resulta ng iyong pinagpaguran.
at sakripisyo, ay nagbubunga ng mas magarang buhay at makikitang nabubuo na unti unti ang iyong pangarap.

Credit: Tropangjoshuagofc instagram




Hindi lamang sariling pangarap kundi pangarap mo din para sa iyong pamilya. Siyempre, mas gugustuhin mo nga namang umangat ang iyong buhay at ang estado ng iyong pamilya.

 

View this post on Instagram

 

HOUSE BLESSING ?? #JoshuaGarcia

A post shared by JOSHUA GARCIA (@tropangjoshuagofc) on


Si Joshua Garcia na dating PBB house mate at ngayon ay sikat na sikat na aktor ang isa sa mga artistang may malalim na pagmamahal sa kanyang pamilya.

Makikita ito sa kanyang isa sa mga naipatayo at naipundar na. Nakapagpundar si Joshua ng isang 3 palapag na bahay sa Quezon City. Napagalaman natin na ang bahay na ito ay regalo ni Joshua sa kanyang ama

Credit: Tropangjoshuagofc instagram

“Ngayon, wala na masyadong ginagawa, kasi last time, nilalagyan ng parang mga bubong, tapos ginagawa pa mga table, mga cabinet, ‘yung mga kulang. Ngayon, wala na masyadong ginagawa. Gift ko ‘yun sa Papa ko,” pahayag ni Joshua.

Tinanong naman si Joshua ukol sa presyo at paano niya unti nabayaran

“Iyong presyo, huwag na nating pag-usapan, Pero nabawi ko na iyon. Okay na ‘ko du’n. Nabawi ko agad noong pagpasok pa lang ng taon, kasi pumasok ‘yung tatlong endorsements. Kinash ko ‘yon.” kwento ni Joshua.

Credit: Tropangjoshuagofc instagram




Malaking malaki talaga ang tulong ng showbiz sa buhay ni Joshua para maaabot ni Joshua ang kanyang mga pangarap at maiangat ang kanilang buhay. Ibinahagi pa ni Joshua ang kanyang susunod na target.

“Next na ‘yung dream house ko. Hindi ko pa alam kung saan ko itatayo pero sa ngayon, nasa ipon part ako, and plano ko, this year. ‘Pag naka-ipon na ‘ko, bago mag-end ng year, nakabili na ko ng bagong lupa,” dagdag ni Joshua.

Credit: Tropangjoshuagofc instagram