Jason Francisco, pinakita ang kanyang masayang buhay sa probinsya

Ibinida ng aktor at vlogger na si Jayson Francisco ang kanilang buhay probinsiya ngayong quarantine. Makikita sa kanilang bagong released na vlog na maraming puno ang nakapaligid sakanya.




Source: MELASON Official Youtube

Sinabi niya rin sa video kung gaano siya kaswerte dahil siya ay nakatira sa probinsiya, “Dito sa probinsiya, kahit wala kang trabaho basta masipag ka lang hindi ka magugutom.”

Source: MELASON Official Youtube

Ipinakita niya ang kanilang tanim na mga halaman at pagkain na pweding pantawid gutom lalo na sa panahon natin ngayon. Ilan sa kanyang mga nabanggit ay, Kaymito, Malunggay, Papaya, dahon ng sili, okra, kalabasa, langka, ampalaya at marami pang iba.

Source: MELASON Official Youtube




Sa lahat ng nabanggit meron siyang isang paborito at inilarawan pa ito na bilog, nagkukulay violet kapag hinog, at kamukha ng sayote ayon sakanya, ito ang avocado.

Source: MELASON Official Youtube

Niyaya naman niyang manguha ng Avocado ang mga viewers, ipinakitang hitik na hitik sa bunga ang puno ng Avocado.

Sa video, makikita rin ang alagang bibe at pinakain pa ito, binigyan ng pangalan at ini isa-isang pinakilala sa mga manonood.

Source: MELASON Official Youtube

Bago manguha ng avocado, ipinakita pa ni Jayson ang iba pang tanim sa bakuran katulad ng mangga, upo, talong, saging, santol, at marami pang iba.

Source: MELASON Official Youtube

Pagkatapos manguha ng avocado, gumawa naman ng shake at ipinakita niya ang proseso ng paggawa nito.

Source: MELASON Official Youtube

Sa huli ng kanyang vlog, sinabi ng aktok gaano siya ka thankful na nakatira siya sa probinsya at marami silang halaman.

Source: MELASON Official Youtube

“Sa panahon ngayon, mas magandang ang mga tanim mo sa bakuran ang iyong kinakain dahil mas safe at higit sa lahat basta ikaw ay madiskarte mabubuhay at makakakain ka.”

Sa susunod daw niyang content, ay tuturuan naman niya ang mga manonood kung paano magluto ng sinantolan dahil mangunguha rin siyang santol sa kanilang bakuran.

Source: MELASON Official Youtube




“I’m so thankful, I’m so blessed dahil meron kaming probinsiya na kagaya nito.”

Totoo nga naman napakasarap mamuhay sa isang probinsiya na puno ng halaman at katahimikan.