Jackie Forster, masayang masaya dahil magkakasama at kompleto uli ang kanyang mga anak

Ang pamilya ang silang tunay na nakapgbibigay ng saya at tuwa sa atin. Walang pera o kayamanan ang makakatumbas sa saya at pagmamahal na ibinibigay ng ating mga pamilya, lalo na ng mga anak sa kanilang mga magulang.



Credit: Jacky Forster instagram

Kaya naman, masayang masaya ang aktres na si Jackie Forster nang magsama sama sila ng kanyang mga anak sa isang larawan na kanyang inupload sa Instagram.Mayroong limang anak si Jackie. Ang una ay ang kanyang mga anak sa kanyang ex husband na si Benjie Paras. Sila ay sina Andre Paras na artista na ngayon. At ang sumunod ay si Kobe Paras na dati ay namalagi sa ibang bansa at nang umuwi dito ay isang athlete basketball player ng UP.

Credit: Jacky Forster instagram

Sumunod naman ang kanyang tatlong anak sa kanyang partner ngayon na si Michael Franken. Sila ay sina Jared, Caleigh, at Yohan. Lahat sila ay makikita sa IG picture na inupload ni Jackie sa kanyang IG.

Credit: Jacky Forster instagram

Magkaiba man ng ama, malapit sa isa’t isa ang magkakapatid. Kaya naman noong nakaraang linggo, nagdiwang si Caleigh ng kanyang 10th birthday.Present ang lahat maging si Andre at Kobena makikita din sa mga celebration pictures nila. Sa katunayan, maging ang ama ni Kobe at Andre na si Benjie ay dumalo din.



Credit: Jacky Forster instagram

Binati naman ni Jackie ang kanyang anak sa IG.”My blooming beauty @caleighsimone. Happiest 10th birthday. I can’t wait to witness what the future brings,” saad ni Jackie.
Sa latest post naman ni Jackie ay makikita ang larawan nila ng kanyang limang anak at may caption na”My world J.A.C.K.Y@jared_therockstar@andreparas@caleighsimone@_kokoparas@yohan_forster
Abundantly blessed and content ✨📸 @niceprintphoto”

Credit: Jacky Forster instagram

Acronym ng mga initials ng pangalan niya ang bumuo sa pangalang JACKY. Ayon din sa kanya, sila ang kanyang mundo at pinagmumulan ng contentment sa buhay.Iyan nga naman talaga ang kaligayahan ng isang ina, ang makitang masaya at kumpleto ang kanyang mga anak.

Credit: Jacky Forster instagram