Heart Evangelista,pinagbigyan ang request ng mga fans na magtour sa kanyang napakagadang closet



Credit: Love Marie Escudero youtube

Maraming netizens at mga fashion enthusiast ang tuwang tuwa sa napanood nilang Walk in closet tour ni Heart Evangelista. Sino ba ang hindi manonood sa kanya? Pagdating sa fashion, ay si Heart ang isa sa mga tinitingala dito.Pagpasok pa lang, mapapa wow ka na sa hagdan paakyat na may pink carpet at gold na hawakan.

Credit: Love Marie Escudero instagram

Sa taas, makikita ang mga sweaters, jackets, tops, suits at dresses na naka grupo ayon sa kulay at gamit ng mga ito. Gaya na lamang ng mga tops niyang nakahilera mula sa puti, asul at itim.Ayon kay Heart, paborito niya talagang sinusuot ang kanyang mga white tops dahil komportable at mas madali itong i match sa iba.



Credit: Love Marie Escudero youtube

Makikita din dito ang mga accesories at sun glasses na nakalagay sa isang glass cabinet.
Pagdating sa sapatos, tatambad nga naman ang napakaraming sapatos na ito na kanyang nakolekta sa loob ng 21 na taon.Memorable sa kanya ang isang sapatos na sinuot niya sa Schiapareli fashion show.

Credit: Love Marie Escudero youtube

Sa tuwing nakikita ang mga larawan ni Heart na kanyang OOTD, ito ay kinukuhanan niya sa kanyang Paris-themed room.Terno siyempre ng shoes ay ang bags, marami rami din ang koleksyon ni Heart. Dito pinakita naman niya sa atin ang kanyang memorable bag na galing sa kanyang ina. Ito ay isang vintage black bag.

Credit: Love Marie Escudero youtube

Makikita din dito ang kanyang mga Hermes bags na ninanais nga naman ng lahat. At sabi pa ni Heart, kung magkakasvn0g, ang kanyang Himalayan bag ang una niyang ililigtas.
Talaga nga namang sana all na lang ang masasabi mo sa ganda ng kanyang closet at siyempre mas nakakabilib ang laman nito.

Credit: Love Marie Escudero youtube




“Heart is very classy, it’s not all about Louis Vuitton, Gucci, Fendi although they are nice, many wealthy people spend money on hand crafted items, exclusive items, and not extremely expensive waste, I love how Heart is very classy she doesn’t flex and is genuinely a very humble nice person!,” sad ng isang netizen na manghang mangha sa kanyang napanood.

Credit: Love Marie Escudero youtube