Eto ang masayang buhay ng aktres na si Jennifer Sevilla ngayon


Kilala mo ba ang aktres na si Jennifer Sevilla? Malamang ang mga magulang ng mga kabataan ngayon ang mas nakakakilala sa kanya. Sumikat si Jennifer sa variety show noon na That’s Entertainment.



Credit: Jennifer Sevilla instagram

Kasabayan ni Jennifer ang iba’t ibang mga artista na doon din nagsimula at nakaguhit ng pangalan sa showbiz industry. Ang iba sa kanila ngayon ay mga batikang aktor at aktres na matapos ang ilang taon.Talaga namang napakaganda ni Jennifer. Bata pa lang ay sumabak na siya sa showbiz at mas lumutang ang kanyang ganda nang siya ay mag dalaga na.

Credit: Jennifer Sevilla instagram

Habang tumatagal, padami na ng padami ang kanyang mga TV shows at maging mga pelikula na patok sa masa.Sa gitna ng lahat ng ito, ay nawala sa showbiz si Jennifer. Hindi alam ng marami kung bakit siya nawala kaya inabangan ng lahat noon ang kanyang panayam sa ABS CBN kung ano ang nangyari sa kanya matapos ang ilang taon.

Credit: Jennifer Sevilla instagram




Dito nalaman na nag-asawa na si Jennifer noong 2007 kay Seymour Go at sila ay nakabuo na ng pamilya matapos nito at naisilang ang kanilang panganay na si Simon Rafa.Natatandaan pa nga ni Jennifer ang kanyang huling pelikula kasama si Megastar Sharon Cuneta at Aga Muhlach na si “Kung Ako na Lang Sana”. Bukod pa dito ay ang indie film niya kasama si Maricel Soriano para sa Gawad Kalinga.

Credit: Jennifer Sevilla instagram

Naibahagi din ni Jennifer bakit siya nagpahinga sa showbiz. Ito ay ang upang magka oras sa kanyang pamilya lalo na ang kanyang anak na mabilis lang lumaki ito.
“I really decided to put [showbiz on hold] muna and be a full-time mother and at the same time to take care of our businesses. I’m cherishing and savoring as much as I can every moment with him, because it’s very fast lang na lalaki na siya,” pagbabahagi pa niya.

Credit: Jennifer Sevilla instagram