Cute na anak nina Carlo Aquino at Trina Candaza na si Enola Mithi, bininyagan na




Ang anak na babae nila Carlo Aquino at Trina Candaza na si Enola Mithi ay bininyagan na nitong nakaraang huwebes ng umaga, Pebrero 11 taong 2021 at ang baptismal reception ay ginanap sa Flossom Kitchen + Cafe sa San Juan.

Credit: Carlo Aquino instagram

Si Baby Enola ay ipinanganak noong nakaraang Setyembre taong 2020.
Sa araw ng biyernes, Pebrero 12 ay nagpost sa kaniyang instagram ang aktor na si Carlo Aquino ng larawan na kung saan siya ay nakadamit na puti kasama ang kaniyang kinakasama habang bitbit nila ang napakacute na si baby Enola. Ang nasabing post ni Carlo ay may caption na, “Always ready, always prepared, thank you”

Credit: Carlo Aquino instagram

Ang mga pasilip na mga larawan sa binyag ng anak nila Carlo at Trina ay ipinost sa Social media ng mga taong dumalo sa nasabing binyag. Sobrang halata ng kasiyahan ni Carlo at Trina sa pagkabinyag ng kanilang anak mula sa mga larawang nasa kani-kanilang mga Social Media accounts.

Credit: Carlo Aquino instagram

Labis umanong nagbago ang buhay ni Carlo Aquino noong siya ay maging ama ayon sa isang interview noon sa kaniya. “Sobrang sarap sa pakiramdam na hindi na ‘yung sarili mo ‘yung priority kung ‘di ‘yung mag-ina mo na, ‘yung family mo. Ang sarap na nagtratrabaho ka para sa kanila.

Credit: Carlo Aquino instagram

Kasi ito, future ng anak ko ‘yung nakasalalay ‘di ba? Siyempre gusto mo maging stable, maging maayos kung saan siya mag-aaral, ‘yung mga ganung bagay,” saad ng aktor.




Credit: Carlo Aquino instagram

Sinabi nya rin na sobra ang kaniyang pasasalamat at proud sa kaniyang kasintahan na si Trina dahil nakita niya umano na hindi naging madali ang mga pagsub0k na kanilang dinanas bilang mga first time parents. Narito ang kaniyang pahayag ukol dito, “Grabe din ‘yung pinagd@anan namin ni Trina para dumating kami sa ganito.

Credit: Carlo Aquino instagram

Kaya very proud din ako sa kanya. Siyempre, sa lahat ng sakit na naranasan niya para mag-stay siya sa akin, para ituloy ‘yung relationship namin at magkaroon ng isang napakagandang blessing na ganito.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carlo Aquino (@jose_liwanag)

Nang siya ay tanungin naman kung may plano naba silang magpakasal ni Trina, ang sabi ng aktor ay sa ngayon ay ang kanilang prayoridad ay ang pag-aalaga sa kanilang anak at pagiging mabuting magulang. Ang kanilang kasal ay susunod din.