Bunsong anak ni Kris Aquino na si Bimby, sobrang tangkad na

Iba nga naman ang feeling na makita mong unti unti ng lumalaki at tumatangkad ang iyong mga anak. Parang kailan lang nang sila ay mga bata pa na kinakalong at inaaalagaan, ngayon sa bilis ng panahon ay mabibigla ka na lang na mas matangkad pa sa iyo ang mga ito.



Credit: Kris Aquino instagram

Iyan ang pakiramdam na nabigla ang Queen of All Media at mom of two na si Kris Aquino. Ayon kay Kris, nabigla na lang daw siya na napakatangkad na ni Bimby. Proud na proud si Kris at ipinagmalaki niya na magkasing height na lang sila ngayon.”hello. I’ve missed you… (I didn’t shrink- may bunso just keeps growing taller),” saad ni Kris sa kanyang IG.



Matatandaang sa post dati ni Kris ay pinagtapat niya ang kanyang 2 anak na si Joshua at Bimby. Matangkad din si Josh at makikita na isang pulgada na lang ang tangkad ni Josh kay Bimby.Napakatangkad ni Bimby lalo na at 6 footer na siya sa edad na 13. Bata pa lang si Bimby at siguradong mas tatangkap pa ito. Hindi na ito nakapagtataka. Malaking porsyento na namana niya ito sa kanyang ama na basketball player na si James Yap.

Credit: Kris Aquino instagram

Matangkad din si James Yap kaya naman makukuha niya talaga ito sa kanya. Kaya naman, marami din ang nagsasabi na pwedeng pwede niyang magamit ang kanyang height na ito sa paglalaro ng basketball. Malaking advantage ang kanyang height kung magiging basketball player siya.Samantala, nag react din ang Kapamilya actress na si Erich Gonzales, Carmina Villaroel at Darren Espanto na nabigla din sa pagkatangkad ni Bimby.

Credit: Kris Aquino instagram



“mina_villarroel: Grabe Ninang he’s so tall! 👍☺️krisaquino: I know inaanak. How did I give birth to such tall sons?”“No waaaay” sumagot naman si Kris na “I think he’s now as tall as you.”Tuwang tuwa din ang mga netizens ukol dito.