Kilalanin ang mga Artistang mayroong malalaki at magagandang van

Ang mga sasakyan ay itinuturing na nga namang status symbol sa panahon ngayon. Kapag ikaw ay may sasakyan, agad nga namang pumapasok sa utak ng mga Pilipino na ikaw ay may kaya sa buhay.

Rich kid pa ang itatawag sa iyo kapag nagkaroon ka na ng sasakyan. Anumang klase o modelo, basta may sasakyan ay nagpapakita ng estado mo sa buhay. Kaya naman, talagang halos lahat ngayon ay nag nanais na magkaroon ng magandang sasakyan. Wala namang problema lalo na kung afford mo naman itong bilhin at nabili ito sa maayos at mabuting pamamaraan.



Credit: Atoycustoms instagram

Pero kung titignan, isang necessity nga naman ang sasakyan ngayon lalo na sa mga nangangailangan nito sa kanilang trabaho. Kung ang trabaho ay nangangailangan ng mas mabilis at komportableng transportasyon ay kailangan mo na nga naman talaga ito. Kagaya na lamang sa pagiging isang artista.

Karaniwan na sa mga artista ang sasakyan, halos sa kanila ay may mga malalaking van na kanilang nagagamit sa kanilang mga shooting, concert at trabaho.

Credit: Atoycustoms instagram

Ang iba ay pinapa customized pa ito para mas gumanda at maging komportable dito. Narito ang ilan sa mga showbiz personalities na nagpasilip sa kanilang mga van.

1. Kim Chiu

Ipinasilip ni Chinita Princess Kim Chiu ang kanyang van. Trending ang kanyang vlog na ipinapakita ang kanyang pinag paguran.



Credit: Kim Chiu youtube

2. Michelle Gumabao

Ang magaling na volleyball player na si Michelle Gumabao ay nagbigay din ng pasilip sa kanyang Nissan Urvan Premium.

Credit: Atoycustom instagram
Credit: Atoycustom instagram

3. Mariel Padilla

Ipinakita din ni Mariel ang kanyang spacious na customized van. Pampamilya nga naman talaga ang disenyo nito.

Credit: Mariel Padilla instagram

4. Claudine Barretto

Hindi rin magpapahuli sa disenyo ang Hyundai van ni Ms. Claudine. Bago pa ito ay nagbigay na siya ng pasilip sa magarang disenyo ng kanyang van.

Credit: Atoycustom instagram
Credit: Atoycustom instagram

5. Manilyn Reynes

Shining and shimmerring naman ang kumikislap na customized van ni Manilyn.

Credit: Manilyn Reynes instagram
Credit: Manilyn Reynes instagram

6. Jinkee Pacquiao





Hindi naman magpapahuli ang halos kakaupload lang na picture ng customized van ni Jinkee. Upuan pa lang ay talaga namang ang ganda nito.

Credit: Jinkee Pacquiao instagram

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *