Anne Curtis, may nakakatouch na birthday greeting sa kanyang kapatid na si Jasmine Curtis

Binati ng sikat na aktres at host na si Anne Curtis ang kanyang kapatid na si Jasmine Curtis Smith noong April 6 sa kanyang Instagram account. Binati niya ito sa pamamagitan ng pag post nito ng mga cute na litrato.


Credit: Anne Curtis Smith instagram

Makikita sa post na ito ang kanilang throwback picture na talagang nag paalala sa kanilang childhood memories. Ang kasinod naman nito ay ang picture nila ni Baby Dahlia at Tita Jasmine
Happy Birthday Sestra/Tata,” ito ang naging caption ni Anne.

Credit: @jascurtissmith instagram

“We love you as much as we love to sing Apples & Bananas,” dagdag pa nito. Tinutukoy nito ang kanta na paborito kanta ni Dahlia. Makikita ang closeness ng dalawang magkapatid na ito kahit sila ay hindi na bata.

Katulad noong nag birthday si Anne Curtis noong February, binati din ito ni Jasmine sa pamamagitan ng kanilang mga throwback pictures noon. Makikita sa post noon ni Jasmine na ang unang litrato ay ang picture nilang dalawa ng kanyang ate na nasa pool at ang pangalawa naman ay sila ng tatlo kasama si Dahlia sa pool.

Credit: @jascurtissmith instagram

“Bestest birthday to the bestest sestra,” ito ang caption ni Jasmine noon.
Ikinuwento din niya sa kanyang Instagram stories noon kung gaano nga ba sila kaclose ni Anne bilang magkapatid. Nakwento nito na natuto si Jasmine na magselfie dahil kay Anne.

Credit: Anne Curtis Smith instagram


“I will be with you every step of life: like when I was your maid of honor when you became a wife. Like when you taught me strength through your fr!ghts. Like that time you learned to empower yourself and taught me about my own might. You never fail our family and will always be our brightest light.” Ito ang ilan sa mga sinabi ni Jasmine noon sa kanyang ate noong birthday niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jasmine (@jascurtissmith)




Kaya naman ngayon, idinaan din ni Anne ang kanyang pagbati sa mga nakakatouch na pictures dahil sa mga memories na dala nito sakanila bilang magkapatid. Makikita sa kanila na napakaganda at tibay ng kanilang relasyon sa kanilang pamilya. Sestra ang tawagan nila Anne at Jasmine sa isa’t isa. Ang ibig sabihin lamang ng sestra ay sister.