Angelika Dela Cruz,pinasilip ang kanilang magandang bahay kung saan sila lumaki lahat magkakapatid

“Ipapakita ko sa inyo ‘yung bahay kung saan kami lumaking magkakapatid.”



Source: Angelika Dela Cruz Youtube

Ito ang bungad ng bagong video na inupload ni Angelika Dela Cruz sa kanyang ginawang house tour sa kanyang YouTube channel. Ayon sa kanya, ito daw ang most requested na content ng kanyang mga viewers at followers.

Source: Angelika Dela Cruz Youtube

Sa pasimula ng video, makikita ang mga larawan nila ng kanyang mga kapatid pati na rin ang kanyang litrato na nakalagay pa sa isang malaking frame nung kabataan niya.

Source: Angelika Dela Cruz Youtube

Ibinahagi rin ni Angelika ang lugar kung saan ang bonding area nila ng kanyang pamilya. Pati na rin ang kanyang kuwarto na ipinasadya pa umano para sa kanya.

Source: Angelika Dela Cruz Youtube

Kuwento ni Angelika, “Noon kasi, noong nag-18 ako, sabi ko sa daddy ko gusto ko bumukod. Gusto ko mag-try na mag-condo kasi ‘yun ‘yung uso dati eh. Kapag ano ka, bubukod ka na, siyempre may work naman ako.”



Source: Angelika Dela Cruz Youtube

“Ang ginawa ng daddy ko, pinagawa niya ‘yung kuwarto ko na parang condo para ‘di na daw ako umalis. Siyempre hindi ko na ‘to kuwarto. Kuwarto na ito ni madame Mika.” dagdag pa nito.

Source: Angelika Dela Cruz Youtube

Dahil nga inaayos ni Mika ang kwarto na iyon, ay hindi niya pinakita ng buo sa video dahil hinikayat niya ang mga viewers na panoorin ang finish product ng pag paparenovate ng kwarto sa Youtube Channel ng kanyang kapatid na si Mika.

Source: Angelika Dela Cruz Youtube

Ipinakita rin niya ang mga awards na kanilang natanggap na magkakapatid. Ilan sa mga ito ay ang Famas Awards, Shall we dance, Season one kung saan siya ang nag champion at pinakita ang video na sumasayaw siya, Pop Viewers choice, nakakuha rin siya ng awards noong SOP days niya. Hilig niya daw talaga ang pagsasayaw noong kabataan niya Ang mga awards daw na ito ay sadyang pinagmamalaki ng kanyang mga magulang dahil proud na proud sila sa mga achievements na natamo ng mga anak.

Source: Angelika Dela Cruz Youtube

Bukod pa doon, pinasilip din niya ang kanilang sala, basement at guess room na makikitang maganda talaga. Noong araw na nag vlog siya, ay sakto namang d3@+h anniversary ng kanyang kapatid na lalaki kaya naman pinakita niya rin ang paghahandang ginawa para sa padasal.



Source: Angelika Dela Cruz Youtube