Aktor na si Romnick Sarmenta, masayang ibinahagi na nanganak na ang kanyang kasintahan na si Barbara Ruaro




Romnick Sarmenta at kasintahan na si Barbara Ruaro masaya sa pagsilang ng kanilang unang baby.
Noong February 14 Valentine’s Day, ibinahagi ng actor na si Romnick ang magandang balita sa kanyang instagram stories ang isang papel na may sulat na note na “Congratulations! Happy Valentine’s.”

Credit: Nick Sarmenta instagram

Sa instagram story ibinahagi rin ng larawan si Barbara ang papel na may nakasulat na notes at nagpasalamat rin sa panginoon sa safe na panganganak nito. “After an almost 24-hour labor… Salamat, Lord. Salamat, Nicko. Mahal na mahal ko kayo, @nicksarmenta. Mahal na mahal na mahal. #alwaystogether.” Ang sabi ni Barbara sa kanyang caption.

Credit: Nick Sarmenta instagram

Sa kabilangan banda ay ibinahagi rin ni Romnick ang parehong larawan.
At sinulat nya sa caption nito na, “Mahal na mahal ko rin kayong dalawa, Barbara.”
May mga nag aabang naman na mga fans na masilayan ang mukha ng unang anak nila Romnick at Barbara na ibahagi ito sa kanilang social media accounts.

Credit: Nick Sarmenta instagram

Masayang masaya nga sina Romnick at Barbara sa pagdating ng kanilang 1st baby. At kitang kita rin ang excitement sa kanilang mga mukha.

Credit: Nick Sarmenta instagram

Matatandaan naman Noong last October inanunsyo nina Romnick at Barabara na sila ay magkakaroon na ng anak at nagbahagi nga ng larawan ng isang pregnancy test na nag papakita ng positibong resulta.




Hindi man sila ang naging unang minahal bilang kasintahan ay pinatunayan naman nina Romnick at Barbara na walang huli pagdating sa pag ibig. At hindi rin importante kung sino ang unang minahal at naging kasintahan dahil mas pinaglalaban nila ang kanilang nararamdaman sa bawat isa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nick Sarmenta Tejedor (@nicksarmenta)

Kinasal nga si Romnick sa kanyang naunang asawa na si Harlene Bautista at naghiwalay rin sila noong 2018. Nagkaroon naman sila ng limang anak. Ngayon nga ay in a relationship na si Harlene kay Federico Moreno ang anak ng yum@0ng Master showman German ” Kuya Germs ” Moreno.