2nd baby na! Neri Naig ipinahayag ang pagbubuntis

Neri Naig and her husband Chito Miranda marked Mother’s Day by revealing that they are expecting their second child. Ang mag-asawang aktres at entrepreneur na si Neri Naig at bokalista nitong asawa na si Chiro Miranda ay nagbigay ng napakagandang balita para sa Mother’s day. Ipinahayag ng nagmamahalang asawa na kanilang hinihintay ang ikalawa nilang supling.


Credit: Neri Miranda instagram

“Happy Mother’s Day. See you soon, our bunso (youngest child),” pahayag ni Neri Naig sa kaniyang Instagram post kahapon, May 9. Kasama ng naturang post ay ang kaniyang larawan sa isange beach habang ipinagmamalaki ang kaniyang baby bump.

Credit: Neri Miranda instagram

Sa kabilang banda naman, ibinahagi rin ni Chiro Miranda ang magandang balita sa isang nakatutuwa at nakatatawang paraan. “Happy Mothers’ Day!!! Busog lang ako. Si Neri, magiging mommy na ulit,” anang Parokya ni Edgar frontman sa kaniyang Instagram post, kahapon para sa kaniyang pagbati sa asawa. (Happy Mothers’ Day!!! I’m just full. But Neri is going to be a mom again.)

Credit: Neri Miranda instagram


Sa naturang photo na ipinost ni Chiro, makikita na tila ba ginagaya niya pa kung paano ang pwesto ng kaniyang asawa na ipinapakita ang baby bump into. Sinundan niya naman ito ng pahayag, kung saan sinabi niya kung gaano siya kasaya at ka-excited sa inaasahan nilang supling, nakikita niya na ang pagkakataon ng mas maraming gising kumpara sa tulog, sapagkat magiging busy siya sa pag-renew ng kaniyang pagiging ama.

Credit: Neri Miranda instagram

“And again, walang tulugan. Pero sa totoo, excited na excited na ako,” Saad niya. (And again, [we’ll be having] sl33pless nights. But really, I’m just so excited.) Ang mag-asawa ay nakatanggap ng mga pagbati mula sa nalalapit na kaibigan sa showbiz industry, kagaya nila Iya Villania, Carla Abellana, at Kaye Abad. Bumati rin ang mga singers na sina Eunice Jorge, at Nicole Asensio.

Credit: Neri Miranda instagram


Taong 2014 sa buwan ng Disyembre nang ang magkasintahang Neri Naig at Chiro Miranda ay ikinasal. Sa ngayon ay mayroon silang unico hijo na si Miggy.