Tingnan ang maganda at masayang pamilya ng isang Professional Filipino Surfer na si Marama Tokong

Ang ating mga atletang Pinoy ay talaga nga namang iniidolo at sinasaluduhan sa kanilang galing lalo na sa mga international competitions. Pero, kahit sila ay mga atleta mayroon pa rin naman silang mga personal na buhay at isa sa mga inspirasyon nila sa buhay ang kanilang mga kasintahan.




Credit: Marama Tokong instagram

Kaya naman, ibinahagi sa atin ng Philippine pro surfer John Mark Tokong na ngayon ay ikinasal na sa kanyang kasintahan sa Australia na si Danni Hughes.

Credit: Marama Tokong instagram

Makikita sa kanilang mga Instagram accounts ang mga posts ng ilang litrato kung saan kasama nila ang kanilang pamilya at ang kanilang nag-iisang anak na babae.

Credit: Marama Tokong instagram




“And Now We Are MR & MRS The day we celebrate our love @natureearthlings,” saad ni Tokong sa kanyang Instagram.

Credit: Marama Tokong instagram

Si Tokong ay isang anak ng mangingisda at ngayon siya ay nakilala bilang isang magaling na surfer ng ating bansa. Siyanm din ang kumatawan sa Pilipinas nitong 2019 sa South East Asian games.

Credit: Marama Tokong instagram

Si Huges ay nakuha ding tumira sa Siargao at ito ay tinuring na niyang kanyang tahanan. Ibinahagi naman nila ang kanilang kwento kung paano sila nagkakilala. Nakilala nila ang isa’t isa sa kanyang ikatlong araw ng kanyang pamamalagi sa isla.

Credit: Marama Tokong instagram

“Living a fairytale with this one. traveling around solo last year and stumbled across Siargao meeting @maramatokong on my 3rd day. Life hasn’t been the same since then.. Such a blessing to share the love we have together love u. 📸 John Mark Tokong IG#KamiNews #CoupleGoals #congratulations #weddingday #truelove,” sambit naman ng ni Tokong.

Credit: Marama Tokong instagram

Nakakakilig nga naman ang kanilang kwento at ipinapakita nito na mayroon talagang isang tamang tao na nakalaan sa bawat isansa atin. At ating makikita ang taong ito sa tamang panahon at tamang pagkakataon.




Credit: Marama Tokong instagram

Samantala, maraming netizens at fans nila ang lubos na masaya para sa kanilang kasal. Ipinapaabot din nila ang kanilang pagbati para sa dalawang newly wed couples na ito.

Credit: Marama Tokong instagram