Isang Ina, nagtrabaho bilang isang construction worker para sa mga anak

Iba ang pagmamahal at sakripisyo ng isang ina. Kilala sila sa kanilang aruga at malalim na pagmamahal at pag-aalaga sa kanilang pamilya. Pero, sa hirap ng buhay sila din ay napipilitang kumayod at magtrabaho para sa kanilang mga anak at pamilya.




Gaya na lamang ng mag-asawang Joan at Sherwin. Noon pa man, nahihirapan na ang kanilang pamilya sa kanilang pangaraw araw na buhay.

Kagaya ng ibang pamilya, mas nagh!h!kahos ang mararami sa panahong ito dahil sa wala ng trabaho at walang kabuhayan ang mga tao. Marami ang pansamantalang nawalan ng trabaho at mga naluluging negosyo.

Kaya ang ulirang ina na si Joan ay napilitan ng pasukin ang construction. Siya ay isa ng construction worker matapos abutin ng quarantine.



Source: GMA Public Affairs Facebook

Nahihirapan ang kanilang pamilya dahil umaasa lang sila sa pinagkakakitaan ng kanilang tindahan. Sila ay nagtitinda ng prutas pero maging ito ay nalugi na. Naging matumal ang benta dahil na rin sa quarantina. Lalo na at napalayo sila sa kanilang asawa, kaya dumiskarte na si Joan at namasukan siya bilang construction worker.

Ngayon, kumakayod si Joan para sa kaniyang mga anak. Narito naman ang mga bilib na mga netizens:

Source: GMA Public Affairs Facebook

“Bilib ako sau sister…ganyan tlga pgkailngan ng mga anak kakayanin ang trabaho maitaguyod lmng sila at mabigyan ng magandang bukas.saludo ako sa iyo.MAY GOD BLESS U ALWAYS & ur family.”

“Iba tlga ang kkyanan ng isang Ina pra lng sa pamilya 💞ggwin lht my ibuhay lng pra sa mga anak!”

Source: GMA Public Affairs Facebook

“God bless po ate tlgang kahanga hanga ka at magandang halimbawa sa kababaehan yan ang pusong ina pinapahalagahan kapakanan nga anak saludo aqo sau ate❤”

“Lahat gagawin ng magulang para sa anak, pero ung ibang kabataan post ng post sa twitter ng pagkawalng respeto sa magulang.”

Source: GMA Public Affairs Facebook




“Ganyan ang taong may prinsipyo at paninindigan susuungin at kakayanin ang lahat alang alang sa pamilya, May God bless & keep you ate, kaya mo yan”