Isang Dalaga, proud na proud sa kanyang Tricycle Driver na Ama dahil napagtapos sya ng pag aaral at ang dalawa pa nitong kapatid

Naging maingay ang usapin sa mga tricycle driver matapos ang kontrobersyal na pahayag ng isang batang vlogger tungkol sa mga tricycle driver.




Sa kabila ng pahayag na ito, alam namang nating lahat na isang marangal at nakakabilib na trabaho ang pagiging tricycle driver. Marami sa mga tricycle driver ang naitataguyod ang kanilang pamilya sa kanilang pamamasada. Nakapagtapos ang kanilang mga anak dahil sa kanilang sipag sa trabaho.

Kaya naman, ang tricycle driver na si Nomeriano Capacio ay isang huwaran. Napagtapos niya ang kanyang tatlong anak sa kanyang pagmamaneho ng tricycle. Kaya ngayon, ay graduate na ang lahat ng kanyang mga anak.

Bukod pa riyan, nakuha pa niyang matulungan at naipagamot niya ang kanyang kaanak na mays@kit.

Kwento naman ng kanyang bunsong anak na si Jan, saksi siya sa lahat ng sakripisyo at hirap ng kanyang anak lalo na noong nagkaroon siya ng bone tum0r at na str0ke naman ang kanyang ina.

Kayod marino ang kanyang ama sa trabaho bilang dispatcher sa madaling araw at namamasada maghapon.

Credit: Jan Marini Capacio Facebook




“Saglit mo lang naranasan ang katas ng lahat ng paghihirap mo, Tay. Pero alam ko masaya ka na d’yan na nakikita kaming maayos.” saad naman ni Jan na mensahe sa kanyang ama na pum@n@w na noong nakaraang taon.

Kaya naman, taas noo siya sa kanyang ama na hindi siya pinabayaan at itinaguyod sila bilang isang pamilya sa hirap man o ginnhawa.

Credit: Jan Marini Capacio Facebook

Marami namang mga netizens ang na touch at naka relate. Ibinahagi din ng iba ang kanilang sariling kwento.

“Proud din ako sa tatay ko na isang dakilang tricyle driver…& Security guard sa gabi…lahat kami nka pagtapos kahit si mama ko napa tapos din ni Papa…lahat kmi sa private school…pinaaral..@ hindi sukat akalain na lahat kmi maayos na ngayon…Papa salamat po ng mrami isa kang hero sa buhay namin. We love u forever…miss ka na nmin…💖💖💖,” pahayag naman ng isang netizen.



Credit: Jan Marini Capacio Facebook