Isang Babaeng pasahero, nagulat nang malaman nyang sya lang ang nag-iisang sakay sa eroplano

Kung ikaw kaya ang babyaheng mag isa sa eroplano, anong mararandaman mo. Matutuwa ka ba, magtataka dahil wala kang ibang kasama sa byahe, mangangaba dahil hindi mo alam ang gagawin? Alamin natin ang istorya ng isang babaeng bumyahe literal na mag-isa sa eroplano papuntang Davao.

Maririnig natin ang salitang “Solo Flight” sa mga taong nagbabyahe o nagbabakasyon papuntang ibang bansa ng mag-isa o walang kasama. Iba nga naman si Louisa dahil bumyahe lamang siya ng literal na mag-isa sa eroplano ng walang kasamang ibang pasahero.





Bumyahe siya papuntang Davao sa araw bago ang pasko at sa kanyang pagpasok sa eroplano ay napansin niyang siya lamang mag-isang pasahero sa loob ng eroplano.

Credit:Louisa Erispe facebook

Mula sa kanya ” Hindi ko alam kung anong ibig-sabihin or kung anong dapat kong isipin. But i’ll be flying alone tonight sa plane. No other passengers, ako lang. Hehe”

Kahit siya lamang ang pasahero ay patuloy pa ding lumipad ang nasabing eroplano at nakarating ng maayos sa kanilang destinasyon. Pinasalamatan niya ang buong crew ng Philippine Airlines sa kakaibang at memorable experience na ito.
“Nakalipad po ako ng maayos and nakapagpalipat lipat ako ng upuan. Thank you po Captain. Khalil Faustino and the rest of the crew for the safe and remarkable trip. Godbless”
Nagpakuha pa siya ng litrato kasama ang lahat ng crew ng eroplano.



Credit:Louisa Erispe facebook

Ang dahilan kung bakit si Louisa lamang ang natanging pasahero ng eroplano ay dahil na bigyan ng maagang paalala ang lahat ng pasahero maliban sa kanya. Siya lamang hindi na bigyan ng kompirmasyon tungkol sa byahe. Si Louisa Erispe ay nagtatrabaho bilang news correspondent sa People’s Television Network.

Maraming netizens ang ikinagulat at di makapaniwala sa di nagpagdaanan ni Louise.
“Wow cya lang mag-isa sa eroplano ang galing parang binook nya yung buong eroplano”
“Buti pa si ate na solo flight pwede pa sya makapili ng upuan”
“ang galing naman nyan buti bumyahe pa din ang plane kahit ikaw lang”
“God bless for a safe flight”



Credit:Louisa Erispe facebook